Ano Ang Panitikan At Bakit Ito Naging Salamin Ng Buhay
Ano ang panitikan at bakit ito naging salamin ng buhay
Answer:
Kahulugan ng Panitikan
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaalaman, kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin, ideya at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Bakit naging salamin ang panitikan ng buhay?
- Ang panitikan ay sumasalamin sa mga magagandang kaugalian, kultura at tradisyon na kaiba sa ibang lahi.
- Nang dahil sa panitikan, naipapabatid ang sariling kahusayan sa gayundin ang ating mga kapintasan at kahinaan upang maging daan ng pagpapabuti at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tao.
- Ang panitikan ay isa ring paraan sa pagtuklas ng sariling talino at kasanayan.
- Ang panitikan ay nagbabatid rin ng magaganda at mahuhusay na mga akda na kapupulutan ng mahahalagang aral tungkol sa pgpapahalaga at pagmamalasakit sa kapwa.
- Ang panitikan ay nagpapabatid at nagpapakita ng pagiging isang tunay na Pilipino na marunong magmahal sa sariling kultura at magmalasakit sa sariling panitikan.
Kahulugan ng panitikan mula sa iba't ibang manunulat
Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda
- Ang panitikan ay " bungang isip na isinatitik". Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon, ngayon at bukas ng isang bansa. Ito rin ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa masinining at makahulugang mga pahayag.
Isinaad ni W.J Long
- Ang panitikan ay nasusulat ng mga tala ng "pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao."
Batay naman sa Webster Dictionary
- Ang panitikan ay ang anumang anyo nasusulat sa anyo mang patula/tuluyan sa isang partikular na panahon.
Sa Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin
- Ang panitikan ay isang paraan ng pagpapahyag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat.
Ayon naman kay Salazar
- Ang panitikan ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan at maaaring magpalaya ng isang ideya nagpupumiglas makawala.
Inihayag din ni Ramos
- Ang panitikan ay matatawag ding lahat ng uri ng mga tala na kinasasalaminan ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao sa lipunang kaniyang ginagalawan. Isang lakas itong maaaring maging mahalagang bahagi ang pagpapaunlad ng lipunan at kalinangan.
Para naman kay Bro. Azarias
- Ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba't ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa panitikan, magtungo sa mga link na:
#LetsStudy
Comments
Post a Comment