Ilarawan Ang Katangiang Pisikal Ng Asya

Ilarawan ang katangiang pisikal ng asya

Answer:

Explanation:

Dahil napakalawak ng kontinenteng Asya, maaasahang makakakita ka ng maraming anyong tubig at lupa dito. Ayon sa mga batikang geologist, napakatindi ng mga pisikal na katangian ng Asya. Halimbawa na lamang sa mga nakahihindik na mga istraktura sa Asya ay ang Mt. Everest o ang tinaguriang pinakamataas na bundok at ang pinakamataas na parte sa buong daigdig. Sa Asya din matatagpuan ang pinakamalalim na parte ng mundo – ang Marianas Trench.

Dito rin matatagpuan ang mga bulubundukin ng Himalayas, Ural at Caucasus, na pawang mga sikat na puntahan ng mga mahillig mamundok. Maliban sa mga bundok at trenches, kilala din ang Asya dahil sa mga napakasaganang mga sakaan na matatagpuan sa Mongolia, ang napakalawak na mga diseryto tulad ng Gobi, Thar, Takla Makan at Arabia.

 

Dito rin makikita ang mga naglalakihang puno at mga kakaibang hayop at halaman sa mga gubat ng Aokigahara ng Japan, Palawan ng Pilipinas, Taman Negara ng Malaysia, Khao Sok ng Thailand, at maging ang rainforest sa Borneo. Marami din mga nagtataasang mga talon tulad ng Hyatung ng Nepal, Nokhalikai ng India, at Bambarakan ng Sri Lanka.

Pagdating naman sa mga makasaysayang mga ilog, nandiyan ang Tigris at Euphrates na matagpuan sa Kanlurang Asya, Brahamaputra, Ganges at Indus na dumadaloy sa India, Huang Ho ng Tsina, at Mekong na dumadaloy sa Vietnam, Cambodia, Myanmar at Laos. Sa bandang hilagang Asya naman ay makikita ang mga tundra or lugar kung saang nababalot ng yelo ang lupa. Sa gawing sentro ng Asya matatagpuan ang mga steppes kung saan maraming naninirahan na mga tupa at mga iba pang hayop na kumakain ng damo.

mga ibat ibang lugar sa asya at katangian nitoBukod sa iba-ibang pisikal na katangian ng kontinenteng ito, ang bawat lugar dito ay nakakaranas din ng paiba-ibang klima. Sa hilagang Asya, madalas na magyelo ang mga bansang kabilang dito, tulad na lamang ng Siberia at ng Tajikistan, Turkmenistan, Uzbekistan, Kazakhstan at Kyrgyzstan.


Comments

Popular posts from this blog

In Your Own Words, What Do You Think Is The Best Thing That America Left Us(Philipines) In 21st Century Literatre?

Is There A Way To Get The Individual Id Of The Data Looped Using A While Loop From A Mysql Database Because When Php Prints All Data From Database As

Why Did You Choose This School?